魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > Xcrew > Sa Piling Mo

Xcrew



歌詞
專輯列表

Xcrew

Sa Piling Mo

Ito ang kwento ng pag-ibig kong walang hanggan
Aking iningatan din ito ng napakatagal
Syang babaeng nagpaluha sa akin at nagpatawa
Sa kanya ko naranasang sumaya
Hindi ako sanay kapag hindi ko sya nakita
Nawawala ang kulay ng mundo kong masaya
At sa oras na kaharap ko sya at nakakausap
Di na makakilos sa sobrang katorpihan
Panu nga ba ako makakaligaw sa kanya
更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網
Kung parati may kasama sya at di nag-iisa
Gusto kong makasabay sya sa kanyang pag-uwi
Maihatid ko man lang sya kahit na ilang saglit
Gustong kong mahawakan ang kanyang mga kamay
At I-share sa kanya ang buhay kong nalulumbay
Pangarap ka noon na gusto kong makamit
At kapag akin ka na hindi kita ipagpapalit

[Chorus:]
Sa piling mo masaya ako
Di kailanman magbabago ang pag-ibig ko
Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta
Iibigin ka

Isang babae na hindi ko kayang saktan
Gusto ko parati na lang syang aking alagaan
Babantayan kahit pa sa magdamagan
At sana mahalin ako ng di napipilitan
Nahanap ko sa kanya ang tunay na pag-asa
Ligaya na kailan pa man na di ko natamasa
Ako'y naniniwala na alam kong sya na nga
At sya rin dinarasal ko na sana dumating na
Di ako manghihinayang na gawin ko ang lahat
Kahit na ikamatay ang buhay ko'y ilalahad
Para lang sa kanya kaya kong maghintay ng taon
Basta sinabi nyang maghintay, gagawin ko yon
At hindi ako mangangambang iwan nya ako
Pagdating ng panahon alam kong syang magpapabago
Sa magulong buhay ko na aking naranasan
Wala na ngang iba sa puso ko kundi lang sya

Kayhirap na sabihin sa kanyang mahal ko sya
At baka hindi nya lng ako pansinin pa
Ako ay naglakas loob na sa kanya, sabihin na
Ang laman ng puso at isipan ko ay sya na nga
Naghintay ako sa kanya kahit gano katagal
Pero di ko rin na inasahan di na nagtagal
Sinagot nya na ako sa araw din ng mga puso
At sa araw na yon nagsimula ang aming kwento
Marami na kaming naranasan na pagsubok
Taon na ang binilang at hindi kami sumuko
Walang makakapigil sa aming pagmamahalan
Lakas loob na haharapin ang kinabukasan
Honey ko, salamat sa iyo
Ang buhay ko'y naging kumpleto ng dahil sa'yo
Kung mawawala ka sa akin ay di bale na lang
Di ko kaya mag-isa kung wala ka rin lang

[Repeat Chorus:](2x)

Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta
Iibigin pa rin kita