- 歌词
- 专辑列表
- 歌手介绍
Parokya Ni Edgar
-
Halaga
Umiiyak ka na naman Langya talaga wala ka bang ibang alam Namumugtong mga mata Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa
Sa problema na iyong pinapasan Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
更多更详尽歌词 在 ※ Mojim.com 魔镜歌词网 May kwento kang pandrama na naman Parang pang TV na walang katapusan Hanggang kailan ka bang ganyan Hindi mo ba alam na walang pupuntahan Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka
[Chorus:] Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga
Hindi na dapat pag-usapan pa Napapagod na rin ako sa aking kakasalita Hindi ka rin naman nakikinig Kahit sobrang pagod na ang aking bibig
Sa mga payo kong di mo pinapansin Akala mo'y nakikinig di rin naman tatanggapin
Ayoko nang isipin pa Di ko alam ba't di mo makayanan na iwanan sya Ang dami-dami naman diyang iba Wag kang mangangambang baka wala ka nang ibang Makita
Na lalake na magmahal sayo At hinding hindi nya sasayangin ang pag-ibig mo
[Chorus:] Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga
Minsan hindi ko maintindihan Parang ang buhay natin ay napagti-tripan Medyo Malabo yata ang mundo Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko
[Chorus:] Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama Iilang ulit palang kitang nakitang masaya Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong Tunay na halaga
-
|