- 歌词
- 专辑列表
Coritha
-
Lolo Jose
Noong panahong siya ay hari Masigla ang kanyang pagbati Mahigpit ang hawak ng mga daliri At ang lakad nama'y matuwid
Mahusay ang kanyang talumpati Makisig kung siya ay magdamit Malalim ang kanyang pag-iisip At lahat ay sa kanya nakatitig
Ngunit ngayong siya'y pagod na Mahina na rin ang katawan Pinagmamasdan na lamang sa bintana Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
At ang unang tanong sa umaga Kung ano ang kanyang nagawa Sa paglipas ng siyamnapung taon
Nang siya'y malakas at bata pa
Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na
Sa piling ng mga alaala Lagi na lamang nag-iisa Kahit sulyap, walang maaasahan Sa anak na 'di man siya mapagbigyan
At ang unang tanong sa umaga 更多更详尽歌词 在 ※ Mojim.com 魔镜歌词网 Kung mayro'n pa siyang magigisnan Na liwanag sa nalalabing buhay Ngayon siya'y matanda at laos na
Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na
Sa dilim ng kanyang pag-aasam Maghapon na lang nakabantay Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga Nang hindi malimot niyang nakaraan
At ang diwa ng kahapon 'Di na matagpuan At ang sinag ng umaga Dinaanan ng ulan
At ang hirap ng nasa puso 'Di na mapapantayan Kung maari lang, maari lang Pawiin ang dusa
Chorus: Si Lolo Jose, si Lolo Jose Si Lolo Jose ay matanda na Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose Kahit siya ngayon ay laos na
-
|