魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > Siakol > Tayo Na Sa Paraiso > Bato-Bato Sa Langit

Siakol



歌詞
專輯列表
歌手介紹

Siakol

Bato-Bato Sa Langit

Sabi raw ni Mayor kalat ay iwasan
At ang kanyang bayan ay nadudumihan
Una nyang proyekto ay ang kalinisan
Ngunit ang basura samin ay nagkatambakan

Okey lang kay tsip kahit magka-traffic
Dahil dito lamang siya nakakagimik
Kotong dito, kotong doon
Lagi na lang ganon wag ng magtatanong
Tong, tong, tong, tong pakitong kitong

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

Dito kay Congressman maraming natatakot
Dahil sa sobrang yaman galing sa pangungurakot
Wala na kong makita kahit konting pag-asa
Ngunit ang dambuhala ang dami ng asawa
更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網

Ito naman si Father masyado kung manermon
Sa simbahan ay hari laging nakasabon
Iwasan daw ang alak pati ang sigarilyo
Kapag walang misa bunganga ay parang tambutso

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit

Kaya mga ka-kosa tayo ay manahimik
Gawin ang nararapat wag tayong manakit
Pagmamahal sa kapwa ang laging isa-isip
Ng sa mata ng Maykapal tayoy kaakit-akit

Bato-bato sa langit ang tamaan ay wag magagalit
Gumising ka, itapon na ugali mong kay pangit