魔鏡歌詞網
魔鏡歌詞網 > 歐美歌手 > Paolo Santos > Back to Basics > Kuwento Nating Dalawa

Paolo Santos



歌詞
專輯列表

Paolo Santos

Kuwento Nating Dalawa

Paulit-ulit nang nasabi mga pangyayaring ganito...
Laman ng sari-saring awitin, tula at iba't ibang kuwento...
Kahit na sa pelikula mula doon hanggang dito...
Pilit na gustong hulihin kurot at kilig ng puso.

Pero kung ako ang tatanungin kung ano aking damdamin...
Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,
Kahit ano pang tula't awitin sigurado akong kakapusin
Masukat lang ligaya na dulot mo.
Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula
Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.

Paulit-ulit nang nasabi at kay tagal pang hinintay
更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網
Pinangarap, pinantasiya katuwang ko sa buhay...
Ngayong tayo'y magkasama hindi pa rin makapaniwala
Itong suwerteng dumating sa akin na pumayag kang mahalin kita.

Pero kung ako ang tatanungin kung ano aking damdamin...
Ngayong ikaw ay kahati ng buhay ko,
Kahit ano pang tula't awitin sigurado akong kakapusin
Masukat ang ligayang dulot mo.
Wala pa yatang kanta, nobela o pelikula
Ang kayang tapatan ang kuwento nating dalawa.