- Lyrics
- Album list
- Singer Intro
Sponge Cola( Spongecola )
-
Saan Na Nga Ba'ng Barkada
Lyricist:Lou Reed
Nagsimula ang lahat sa eskwela Nagsama-samang labing-dal'wa Sa kalokohan at sa tuksuhan Hindi maawat sa isa't-isa
Madalas ang stambay sa cafeteria Isang barkada na kay saya Laging may hawak-hawak na gitara Konting udyok lamang kakanta na
Kay simple lamang ng buhay non Walang mabibigat na suliranin Problema lamang laging kulang ang datung Saan na napunta ang panahon?
Saan na nga ba, saan na nga ba? Saan na napunta ang panahon Saan na nga ba, saan na nga ba Saan na napunta ang panahon?
Sa unang ligaw kayo'y magkasama Magkasabwat sa pambobola Walang sikreto kayong tinatago O kay sarap ng samahang barkada
Nagkawatakan na sa kolehiyo Kanya-kanya na ang lakaran Kahit minsanan na lang kung magkita Pagkakaibiga'y hindi nawala
Find more lyrics at ※ Mojim.com At kung saan na napadpad ang ilan Sa dating eskwela meron ding naiwan Meron pa ngang mga ilang nawala na lang Nakaka-miss ang dating samahan
Saan na nga ba, san na nga ba Saan na nga ba'ng barkada ngayon? Saan na nga ba, saan na nga ba Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Ilang taon din ang nakalipas Bawat isa sa amin, tatay na Nagsusumikap upang yumaman At guminhawang kinabukasan
Paminsan-minsan kami'y nagkikita Mga naiwan at natira At gaya nung araw namin sa eskwela Pag magkasama ay nagwawala
Napakahirap malimutan Ang saya ng aming samahan Kahit lumipas na ang ilang taon Magkakabarkada pa rin ngayon
Magkaibigan, mga kaibigan Magkaibigan pa rin ngayon Magkaibigan, magkaibigan Magkabarkada pa rin ngayon
-
|